Residente ng BJMP, Pumarty!

Cauayan City, Isabela – Isang pamilya na nagdiwang ng masayang okasyon, yan ang naging eksena sa loob ng Cauayan City District Jail (CCDJ) ngayong araw Disyembre 28, 2017.

Eksklusibong nasaksihan ng RMN Cauayan News Team ang pagdiriwang ng mga residente ng BJMP Cauayan na kanilang tinawag na “End of Year Celebration”.

Ayon kay Chief Inspector Romeo Villante Jr. (Jail Warden ng CCDJ) layunin ng End of Year Celebration na ito na mabigyan ng munting kasiyahan ang mga residente ngayong panahon ng kapaskuhan at bagong taon.


Nagkaroon ng salu-salo, programa at paligsahan kung saan may kanya kanyang partisipasyon ang bawat residente.

Pinangunahan naman ng mga jail personnel ang programang inihanda upang maging organisado.

Sa kabila ng selebrasyon tiniyak naman ni Chief Inspector Villante Jr. ang seguridad ng CCDJ na aniya ay nasa red alert alinsunod sa direktiba ng kanilang national headquarters.

Kalahati ng buong pwersa ng CCDJ ay nakabantay umano sa tuwing panahon ng kapaskuhan at bagong taon, ayon sa jail warden.

Pinasalamatan naman ni Villante ang mga local government units at lahat na nag-ambag upang maging matagumpay ang programa ngayong araw.

Asahan din umano ang mga bagong proyektong kanilang gagawin sa susunod na taon kabilang na ang paggawa ng mga furnitures at tailoring bilang skills and development training ng mga residente.

Facebook Comments