Cauayan City, Isabela- Inoobserbahan ngayon ng health authorities ang kalagayan ng isang lalaki matapos magpositibo sa anti-body rapid test ng dumating ito sa Lungsod ng Cauayan mula sa Metro Manila.
Itinago ang katauhan ng nasabing pasyente na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bahay Pag-asa.
Ayon kay Kapitan Melchor Meriz ng Brgy. District 3, sinabi nito na dumating kahapon sa kanilang lugar ang pasyente na nagtatrabaho sa isang kumpanya ng sigarilyo at inaasahan na anumang araw ay lalabas ang resulta nito.
Bagama’t nagpositibo sa rapid test, hindi nangangahulugan na ito ay pasok na sa talaan ng Department of Health dahil ayon sa ahensya ang mga magpopositibo sa rapid test ay kailangan pang dumaan sa confirmatory testing para mapatunayan kung ito nga ba ay talagang coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Ipinag-utos na rin ng opisyal ang strict home quarantine sa kaanak ng pasyente para matiyak ang kaligtasan ng mga ito at ng iba pa.