Pumalo na sa 101% o katumbas ng 3.8 milyong indibidwal sa Ilocos Region ang tumanggap na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay John Paul Aquino, Nurse V ng Department of Health-Center for Health Development 1, lahat ng probinsya kasama na ang lungsod ng Dagupan ay nasa 90% o lampas 100% ang indibidwal na fully vaccinated.
Sa mga kumukuha naman ng booster dose nasa 37. 48% pa lamang ang naitala ng kagawaran. Pinakamarami ang nabigyan ng 1st booster doses sa kanilang target population ay sa probinsya ng Ilocos Sur na mayroong 68. 25% at sinusundan ng Ilocos Norte na mayroong 54. 53%.
Ang La Union ay mayroong 40. 68%, Pangasinan, 25.35% at lungsod ng Dagupan na nakapagtala ng 34%.
Sinabi ni Aquino na bago matapos ang taon target na makuha ang 50% ang mabigyan ng first booster dose.
Samantala, maliban sa pagbabakuna kontra COVID-19, nagpapatuloy ang kampanya ng ahensya sa iba pang bakuna gaya ng kontra tigdas. | ifmnews
Facebook Comments