RESIDENTE NG ILOCOS REGION, PINAYUHANG HUWAG MAGBABAD SA ILALIM NG ARAW NGAYONG NARARANASAN PA ANG TAG-INIT

Pinayuhan ng Department of Health-Center for Health Development Region 1, ang mga residente dito na huwag magbabad sa ilalim ng araw lalo na kapag mataas ang heat index upang maiwasan ang heat stroke.

Ayon kay Dr. Eric Sibayan, ang chief emergency management staff ng Department of Health-Center for Health Development Region 1, na ang pag-inom ng tubig ang mabisang paraan upang mapababa ang body temperature ng isang indibidwal kapag na exposed sa init ng araw.

Aniya, kapag na-exposed din sa mainit na temperatura ang mga frontliners o essential workers, mainam na sumilong muna, uminom ng tubig at gumamit ng basang towel upang mapababa ang body temperature.
Kailangan umanong uminom ng tatlong litro ng tubig upang mabilis na marehydrate ang sarili.


Ang pagsusuot din ng mga light-colored na damit ay mahalaga upang maiwasan ang heat exhaustion at heatstroke.

Matatandaan na naitala sa lungsod ng Dagupan ang 52°C na heat index na nasa extreme danger code ng PAGASA.

Facebook Comments