Residente ng San Fermin, Binigyan ng P500 ilang araw bago Eleksyon!

Cauayan City, Isabela – Namahagi ng tig-limang daang piso ang Pamahalaang Panglungsod ng Cauayan sa mga residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela bilang bahagi ng Calamity Relief Assistance.

Ito ang nilinaw ni Ginang Demie Dela Cruz, isa sa mga tauhan ng naturang lugar sa pakikipag-ugnayan ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.

Pangalawang bahagi na anya ang naganap na pamimigay ng pera kahapon dahil na rin sa magkakasunod na bagyong naranasan dito sa lalawigan ng Isabela.


Bagamat mayroon pa ring hindi nakatanggap noong una at pangalawang bahagi ng pamamahagi ay maibibigay rin umano pagkatapos ng halalan ngayong Mayo.

Batay pa sa nakuhang report ay wala umanong mga brgy. officials noong kasalukuyang namamahagi ng pera dahil ang nanguna ‘di umano ay ang mga tauhan ni LMB National President Ino Dy na kumakandidatong kinatawan ng ika-anim na distrito ng Isabela.

Facebook Comments