Residential Area sa Caloocan City, nasunog

Agad na naapula ng Bureau of Fire Protection-NCR ang sunog na naganap sa Brgy. 164, Caloocan City

Ang sunog ay partikular na tumama sa residential area sa GSIS Hills, Talipapa, na nasa gilid lamang ng ilog na karugtong ng Tullahan.
Nagsimula ang sunog bandang alas-5:21 ng umaga at umabot ito sa ikalawang alarma.

Idineklara namang fire-out ang sunog alas-7:10 ng umaga, na nagsimula sa mismong looban ng komunidad.

Ayon sa ulat, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa mga light materials ang mga magkakalapit na bahay.

Dalawa ang naitalang sugatan, habang isa naman ang nahilo dahil sa kapal ng usok.

Hanggang ngayon, hindi pa matukoy ang pinagmulan ng sunog, pati na rin ang halaga ng mga ari-arian na natupok.

Wala pang pinal na bilang ng mga nasunog na bahay, at pati na rin ang bilang ng mga pamilyang apektado, na pansamantalang nananatili sa covered court ng barangay.

Facebook Comments