Residential House sa bayan ng San Mateo, Tinupok ng Apoy

24

Cauayan City, Isabela- Tinupok ng apoy ang isang residential house dakong 4:14 kaninang hapon sa Brgy. Villa Magat, San Mateo, Isabela.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection San Mateo, kinilala ang may-ari ng bahay na si Jericho Pasion Palima.


Wala namang naitalang sugatan sa nangyaring sunog subalit wala ng naisalba pang gamit ang pamilya matapos ang insidente.

Umabot naman sa unang alarma ang sunog habang inaalam pa ang sanhi ng insidente.

Tinatayang aabot sa P280,000 ang halaga ng nawalang ari-arian dahil sa sunog.

Samantala, may panawagan naman ang pamilya na sila ay tulungan upang makabangon muli matapos ang nangyaring sunog.



Facebook Comments