Menor de Edad na Estudyante sa bayan ng Jones, Patay nang Bumangga sa Truck

60

Cauayan City, Isabela- Dead on arrival ang 17-anyos na binata matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo na may temporary plate no. 977703 sa isang forward truck pasado alas-3:30 kaninang hapon sa national highway ng Brgy. Fugu, Jones, Isabela.

Sa imbestigasyon ng Jones Police Station, kinilala ang nasawing biktima na si Andrei John Almazan, estudyante habang nakilala naman ang angkas nito na si Roswell Gepte, 21-anyos, binata, walang trabaho na kasalukuyang ginagamit sa ospital at kapwa mga residente ng Brgy. Masaya Sur, San Agustin, Isabela.


Habang nakilala naman ang driver ng forward truck na may plakang URM 282 na si Samuel Almario, 61-anyos, biyudo at residente ng Brgy. Dabubu Grande, San Agustin, Isabela.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, binabagtas ni Almazan ang national highway ng naturang barangay pa-hilagang direksyon partikular patungo sa Jones Proper at ng marating ang pinangyarihan ng insidente ay hindi umano nito nakontrol ang manibela sa pakurbadang daan kung kaya’t bumangga at tumilapon ito sa kabilang linya ng kalsada na sakto namang paparating ang naturang truck.

Naisugod ang mga biktima sa ospital ng rumespondeng rescue team subalit idineklarang dead on arrival ang menor de edad ng sumuring doktor.

Paalala naman ng mga otoridad na kung maaari ay magdoble ingat sa pagmamaneho lalo na sa mga pakurbadang daan.



Facebook Comments