Resignation ni Peter Laviña bilang National Irrigation Administration Chief – tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte

68

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni National Irrigation Administration (NIA) Chief Peter Laviña.

 

Sa press briefing sa Malacañang kanina, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi dapat bigyan ng implikasyong wala nang tiwala ang pangulo kay Laviña kaugnay na rin ng pagbibitiw nito.

 

Una rito, sinabi ni Laviña sa kanyang facebook post na may mga taong naninira sa kanya at inaakusahan siya na nanghihingi ng pera sa mga contractor ng nia.

 

Pero ayon kay nia Spokesperson Filipina Bermudez – hindi totoong sangkot si Laviña sa anomalya.

 

Katunayan aniya, nagpalabas pa ito ng memorandum para sabihin sa lahat ng opisyal ng nia na hindi niya ino-otorisa ang sinuman na gamitin ang kanyang pangalan para sa iligal na transaksyon.

 

Si Peter Tiu Laviña ay ang dating campaign spokesman ni Pangulong Duterte.



Laviña, Rody Duterte

Facebook Comments