Umano’y assassination plot ng Maute Group laban kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, konektado sa droga; ‘oplan tokhang’ – hindi agad ibabalik ng PNP

90

Naniniwala si Philippine National Police Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na may kinalaman sa kampanya kontra-droga ang umano’y assassination plot laban sa kanya ng Maute Group.

 

Bagama’t hindi pa nakukumpirma, ito lang aniya ang nakikita niyang motibo sa planong pagpatay sa kanya.

 

Aniya, halata namang nakikinabang sa droga ang Maute Group kaya natatapakan sila sa drug war ng PNP.

 

Gayunman, tiwala si Dela Rosa na mapoprotektahan siya ng kanyang mga security at kaya rin niyang protektahan ang kanyang sarili.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Dela Rosa na hindi agarang ibabalik ng PNP ang ‘oplang tokhang.’

 

Aniya, marami pa silang dapat ayusin sa kanilang hanay para masigurong handa ang lahat ng kapulisan sa pagbabalik ng kanilang war on drugs.





Facebook Comments