RESIGNED | Direktor ng Darna movie na si Erik Matti, nag-resign na

Manila, Philippines – Nag-resign na bilang direktor ng “Darna” movie ni Liza Soberano ang kilalang direktor na si Erik Matti.
Ito ay matapos pakialaman umano ng mga tao sa production ang script ng pelikula na ikinagalit ng nasabing direktor.
Ayon kay direk Matti, ikinadiskmaya niya ang ginawa ng mga pakialamero at nais na magpakitang gilas para makilala sa mundo ng showbiz.

Dagdag pa ni direk, limang taon niyang iniayos at nai-plano ang paggawa ng movie tapos ay papakialaman lamang ito ng basta-basta.
Sinabi naman niya na perfect sa karakter bilang Darna si Liza Dahil very passionate ito, committed at sineseryoso ang training para maging fit sa role.
Matatandaan na kilala si direk Matti sa paggawa ng mga dekalidad na pelikula at inuuna ang kagandahan ng movie kaysa sa komersyalismo.

Facebook Comments