SEMI-FINALS | Azkals, pasok na sa semifinals sa Bangabandhu Gold Cup

Pasok na sa semi-finals ng Bangabandhu Gold Cup na ginaganap sa Bangladesh ang Philippine Azkals matapos talunin ang soccer team ng Laos.

Nanalo ang Azkals sa score na 3-1 kung saan ang puntos ay nagmula kina Jovin Bedic, Misagh Bahadoran at Javier Gayoso.

Susunod na makakaharap ng Azkals ang Bangladesh na kasama nila sa group B.


Kabilang din sa nasabing grupo ang Nepal, Palestine at Tajikistan.

Nabatid na ang nasabing kumpetisyon ay inorganisa ng Bangladesh Football Federation bilang bahagi ng paghahandan ng Azkals sa AFF Suzuki Cup 2018 at AFC Asian UAE 2019.

Facebook Comments