RESIGNED | Pagbibitiw ni OPAPP Sec. Dureza, tinanggap na ni PRRD

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbitiw na sa puwesto si Presidential Peace Adviser Jesus Dureza.

Sa kaniyang talumpati sa inauguration ng Bohol-Panglao International Airport, sinabi Ni Duterte na ikinalungkot niya ang pagbibitiw sa puwesto ni Dureza.

Gayunman, hindi binanggit ng Pangulo ang dahilan ng pagbibitiw ni Dureza.


Kasabay nito, inanunsiyo rin ni Duterte na sinibak niya sa puwesto sina Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Undersecretary Ronald Flores at Assistant Secretary Yeshton Donn Baccay.

Sa pahayag naman ni Dureza, sinabi nito na inaako niya ang responsibilidad ng pagkakaroon ng katiwalian sa OPAPP.

Nangyari ang kaniyang pagbibitiw ilang buwan bago ang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) na isang mahalagang salik sa pagtatamo ng kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng Moro.

Facebook Comments