Manila, Philippines – Pinasalamatan ng Palasyo ng Malacañang ang nagbitiw na Peace Adviser Secretary Jesus Dureza sa serbisyong ibinigay nito sa administrasyon sa sambayanang Pilipino.
Nagbitiw si Dureza bilang pagkilala sa command responsibility matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa nitong tauhan na sina Undersecretary Ronald Flores at Assistant Secretary Yeshter Baccay dahil sa katiwalian.
Samantala, nagpaabot din ng paumanhin si Dureza sa inasal ng kanyang mga tauhan.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang pagtanggap ng Pangulo sa pagbibitiw ni Dureza ay kinilala ng administrasyon ang pangako na full responsibility at paghingi ng paumanhin sa usapin.
Binigyang diin ni Panelo na ang pagbibitiw ni Dureza ay isang matibay na ehemplo ng tunay na delicadeza at moralidad sa gobyerno at ang kanyang leadership ay isang magandang halimbawa para sa lahat.