RESIGNED | U.S. Ambassador to UN Nikki Haley, nag-resign

70

Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si U.S. Ambassador to United Nations Nikki Haley.

Natanggap na ni U.S. President Donald Trump ang kanyang resignation.

Ayon kay Trump – magtatapos ang trabaho ni Haley hanggang sa katapusan ng taon.

Pinagpilian din niya si Haley kung ano ang nais niyang maging posisyon sa gobyerno.

Tiniyak naman ni Trump na kaniyang ilalabas ang papalit kay Haley sa mga susunod na linggo.

Itinanggi naman ni Haley na tatakbo sa pagkapangulo sa 2020.

Facebook Comments