Iginiit ni Vice President Leni Robredo na kailangang magkaroon ang pamahalaan ng resilience lalo na at kinakaharap pa rin ng bansa ang COVID-19 pandemic.
Sa kanyang talumpati sa 5th Asian Philantropic Development Conference (APDC), sinabi ni Robredo na ang pagkakaroon ng resilience ay magpalalago ng kultura ng partisipasyon ng mga tao lalo na sa mga komunidad.
“lt calls for giving people spaces where they can participate and be heard—where they can talk about their concerns, the risks they face, and the issues they think we should be paying more attention to,” sabi ng bise presidente.
Importante aniyang magkaroon ng kolaborasyon ang pamahalaan sa mga mamamayan para mapahusay ang kabuoang “ecosystem of governance.”
“Resilience can only be truly built from the ground up. It starts in the grassroots, and must be nourished by constant participation so it grows and bears fruit,” ani Robredo.
Dapat ding pagtibayin ng pamahalaan ang kredibilidad nito sa mga stakeholders para mapanatili ang tiwala.