Reskilling at upskilling sa mga empleyadong nawalan ng trabaho, iginiit ni Senator Angara

Iginiit ni Senator Sonny Angara ang pangangailangan na magdagdag at matuto ng mga bagong kaalaman o skills ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Ayon kay Angara, ito ay para makabalik sila sa trabaho o makapag-aplay sa ibang uri ng trabaho.

Pahayag ito ni Angara makaraang umabot na sa 17.7 porsyento nitong Abril pa lamang ang datos ng unemployment dahil sa pandemya.


Paliwanag ni Angara, mas paborable ngayon sa nakararaming establisimyento ang reskilling dahil liban sa mabilis ang takbo ng trabaho ay epektibo ito at mas magaan para sa mga babalik na empleyado.

Dagdag pa ni Angara, hindi naman mahirap para sa mga kumpanya ang pagre-reskill sa kani-kanilang empleyado kung saan mas makakatipid din sila.

Kaugnay naman sa pag-a-upskill sa mga empleyado, ay sinabi ni Angara na wala pa man ang COVID, isa na sa kanyang mga isinusulong ang digital transformation sa bansa bilang paghahanda sa napakabilis na pagbabago sa iba’t ibang aspeto.

Facebook Comments