Resolusyon laban sa limang US Senators, inihahanda na ng Senado

Binubuo na ng Senado ang draft resolution hinggil sa naging pahayag ng limang US Senator na tila nag-uutos sa gobyerno ng Pilipinas na pakawalan sila Senator Leila De Lima at Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa.

Sa interview ng RMN Manila kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, layon ng Senate Resolution na ipaalala sa Amerika na wala silang karapatan na panghimasukan ang pamamalakad ng gobyerno sa bansa.

Binigyan diin ni Lacson na mayroong konstitusyon, proseso at judicial system na dapat sundin.


Para sa Senador, isang insulto sa soberenya ng Pilipinas ang ginawa ng limang American Senator lalo nat nasa korte na ang kaso nila De Lima at Ressa

Una na ring pinalagan ng Malacañan ang panawagan ng mga US Senator at sinabing malinaw na nais ng mga ito na manghimasok sa pamamalakad ng Pilipinas.

Facebook Comments