Bureau of Immigration, naka-heightened alert na kaugnay ng Semana Santa

Inilagay na ng Bureau of Immigration (BI) sa heightened alert ang kanilang mga tauhan sa international airports at seaports.

Kaugnay ito ng ina-asahang pagdagsa ng malaking volume ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

Bunga nito, asahan na ang mas mahigpit na screening sa mga dumadating at papa-alis na mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Mahigpit din na binabantayan ng Bureau of Immigration ang posibleng pagpuslit ng mga biktima ng human trafficking.

Facebook Comments