Pagadian, Philippines – Ipinasa sa Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon para bigyang aksyon ng ilang ahensya ng pamahalaan ang lumalalang niyog smuggling sa buong Zamboanga Peninsula.
Nakapaloob sa resolution no. 375-2017 na dapat magsagawa ng checkpoint ang zamboanga Del Sur Police Provincial Office kasama ang mga concerned agencies upang mapigilan ang pagbibiyahe ng mga niyog patungo sa Zamboanga City.
Sinabi ni board member Miguelito Capan, kadalasan ang mga niyog ay dadalhin patungong China.
Aniya, hindi ibig sabihin na bawal na ang pagnenegosyo ng niyog sa Zamboanga Del Sur ngunit hindi dapat humantong sa paglabag sa batas.
Facebook Comments