Resolusyon na higit na magpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at Vietnam, pinagtibay sa Kamara

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ang House Resolution No. 571 na layuning mapag-ibayo ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.

Nakapaloob sa resolusyon ang pagtatatag ng Philippine-Vietnam Parliamentarians Friendship society para epektibong mapa-igting ang umiiral na exchange of visits program ng mga parliamentarians ng dalawang bansa.

Higit din nitong pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga opisyal at miyembro ng parliamentarian society.


Nakasaad din sa resolusyon na isinulong ni House Speaker Martin Romualdez at ng ilang kongresista ang pagpapalalim ng pagtutulungan ng dalawang bansa para sa pagkamit ng peace and prosperity sa rehiyon, mapapasigla sa mutual understanding and cooperation at higit na mapaalas sa kanilang pagkakaibigan.

Binanggit sa resolusyon na nagsimula ang diplomatic relations ng Pilipinas at Vietnam noong July 12, 1976, sa pamamagitan ng paglagda sa isang kasunduan nina dating Philippine Foreign Minister Carlos P. Romulo at dating Vietnamese Vice Prime Minister for Foreign Affairs Phan Hien.

Facebook Comments