Pinagtibay ng Senado ang Senate Resolution 616 na humihikayat sa Department of National Defense (DND) na makipagdayologo sa University of the Philippines (UP).
Ang resolusyon ay inihain ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan matapos tuldukan ng DND ang 1989 agreement nito sa UP.
Co-author ng resolusyon sina Senators Sonny Angara, Nancy Binay, Leila de Lima, Franklin Drilon, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Grace Poe, Joel Villanueva, Majorty Leader Migz Zubiri at Senate Presidnet Pro Tempore Ralph Recto.
Giit ni Pangilinan, kailangan na talagang mag-usap dahil lumalaki na ang gulo.
Hinikayat din ni Pangilinan ang DND na makipagdayalogo rin sa iba pang academic institutions na may umiiral itong kasunduan upang makahanap ng middle ground sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at proteksyon sa academic freedom.
Nag-abstain naman si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa pagboto sa resolusyon pero agad niyang nilinaw na hindi sya anti-UP kundi anti-CPP-NPA.
Suportado rin Dela Rosa, ang pagbasura sa DND-UP Accord dahil nagamit lang umano ito sa pagrecruit ng mga estudyante para maging komunista kung saan marami sa kanila ay namatay sa iba’t ibang engkwentro sa kabundukan.
Diin pa ni Dela Rosa, layunin ng kasunduan na maprotektahan ang mga estudyante laban sa komunismo at hindi kailanman ninanais ng kapulisyan at militar na maghasik ng kaguluhan at takot sa loob ng mga paaralan.