Resolusyon na magpapalawig sa deadline ng voter registration hanggang sa Oktubre, aprubado na sa plenaryo ng Kamara

Inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Resolution 2231 na naglalayong palawigin ang voter registration sa 2022 election.

Ito ay kahit pa ilang beses nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na hanggang Setyembre 30, na lang ang deadline para sa voter registration.

Sa sesyon ng plenaryo ay in-adopt ang resolusyon na humihimok sa COMELEC na palawigin hanggang sa October 31, ang pagpaparehistro ng mga bagong botante sa bansa at mga OFWs sa abroad.


Layunin ng resolusyon na maiwasan ang massive voter disenfranchisement at para mabigyan ng pagkakataon ang iba pang mga Pilipinong apektado ng lockdown na makapagparehistro.

Samantala, ang COMELEC naman ay nanindigang hindi na palalawigin ang voter registration kahit pa kabi-kabila ang mga panawagan dahil pinangangambahang maapektuhan ang kanilang paghahanda para sa eleksyon sa susunod na taon.

Facebook Comments