MANILA – Ipinagpaliban ng Senado ang pagboto sa resolusyong inihain ni Sen. Riza Hontiveros na nagpapahayag ng “sense of senate” na hindi dapat ilibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.Nagkaroon ng agam-agam ang mga Senador dahil hindi pa nila nababasa ang desisyon ng Korte Suprema.Sa halip, nagbotohan na lang sila kung dapat nang pagbotohan ang resolusyon kung saan anim ang tutol, anim din ang pabor at dalawa ang nag-abstain kung saan natalo ang resolusyon ni Hontiveros.Ayon kay Senate President Koko Pimentel, maging siya ay tutol na mailibing si Marcos sa LNMB kaya kakausapin nito si Pangulong Rodrigo Duterte.Patuloy naman si Hontiveros sa panawagan sa Pangulo na huwag nang ituloy ang Marcos burial bilang pagrespeto sa kasaysayan ng bansa.Sa botong 9-5-1, ibinasura ng Korte Suprema ang status quo ante order dahilan para tuluyan ng payagan na mailibing ang dating Pangulong Marcos sa libingan ng mga bayani.
Resolusyon Na Nagpapahayag Ng Pagtutol Sa Pagpapalibing Kay Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sa Libingan Ng Mga Bayani
Facebook Comments