Resolusyon na sumusuporta kay Speaker Romualdez, pinagtibay ng Kamara

Pinagtibay na ngayon ng House of Representatives ang House Resolution No. 1562 na naghahayag ng hindi matatawarang suporta kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Umaabot sa 287 ang mga kongresista na lumagda sa resolusyon sa harap ng mga alegasyon o paratang laban kay Romualdez kaugnay sa People’s Initiative o PI para baguhin ang economic provisions sa ating Saligang Batas.

Layunin din ng resolusyon na ipagkita ang pagkakaisa ng mga kongresista para ipaglaban ang karangalan at integridad ng Kamara laban sa pag-atake ng Senado na isang paglabag sa prinsipyo in inter-parliamentary courtesy at pag-impluwensya sa kanilang legislative and constituent functions.


Sa mga naging privilege speech ng ilan sa mga kongresista na lumagda sa resolusyon ay kanilang pinuri ang paninindigan at pagtatanggol ni Romualdez sa dignidad ng Kamara at pagsalba sa tiwala ng mamamayan sa parliamentary processes.

Diin ng mga kongresista, nirerespeto nila ang People’s Initiative para maamyendahan ang konstitusyon pero kanilang binigyang diin na hindi kamara ang nasa likod nito kundi pribadong organisasyon na People’s Initiative for Modernization and Action (PIRMA).

Ikinasa anila ang People’s Initiative ng PIRMA habang inaantabayanan ang aksyon ng Senado sa Resolution of Both Houses No. 6 na nagsusulong ng constitutional convention para sa Cha-cha.

Facebook Comments