Pinasasantabi ng Public Attorney’s Office (PAO) ang resolusyon na pinalabas ng Department of Justice (DOJ) noong February 11,2019 kaugnay ng sinasabing iregularidad sa Dengvaxia vaccination program ng Dept. of Health.
Sa kanilang inihaing partial motion for reconsideration, Nais kasi ni PAO Chief Persida Acosta na isama sa respondents si Health Sec. Francisco Duque III at ang mga opisyal ng Zuellig Pharma na kapwa inabsuwelto ng DOJ sa unang batch ng reklamo.
Hindi rin kuntento ang PAO dahil homicide lamang na inirekomenda ng DOJ na mai-file sa lower court .
Ayon kay Acosta, hindi dapat inalis ng DOJ ang kasong paglabag sa Anti-Torture Act laban sa respondents.
Kabilang sa mga inirekomenda ng DOJ na sampahan sa korte ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sina dating Health Sec. Janette Garin, mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH; gayundin ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at Food and Drug Administration.