Resolusyon ng Minority Bloc na nagsusulong ng joint session para talakayin ang idineklarang martial law sa Mindanao, natalo sa botohan

Manila, Philippines – Sa botong 12 – 9 ay nabasura ang senate resolution number 390 ng senate Minority Bloc na nagsusulong ng joint session para talakayin ang buong detalye at basehan ng idineklarang martial law at suspensyon ng Writ of Habeas Corpus sa buong Mindanao.

Kabilang sa 12 bomoto kontra ay pawang miyembro ng mayorya na kinabibilangan nina senators Pimentel, Tito Sotto, Angara, Binay, Ejercito, Gordon, Honasan, Lacson, Legarda, Pacquiao, Villar at Zubiri.

Siyam naman ang bomoto pabor sa resolusyon na kinabibilangan ng limang miyembro ng minorya na nina senators Drilon, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Trillanes, Hontiveros at apat na miyembro ng mayorya na sina senators Recto, Gatchalian, Chiz Escudero at Grace Poe.


Si Senator Joel Villanueva na wala ng isinagawa ang botohan ay nagpasabi kay senator Bam na pabor din sya sa joint session.

Bago ang botohan ay nagkaroon pa ng ilang oras na debate dahil punto ng minority senators sa pangununa ni Senate President Koko Pimentel, nakasaad sa konstitusyon na kailangan lang ang joint session kapag irerevoke o II extend ang idineklarang martial law ng pangulo.

Sabi naman ng minority senators sa joint session nila pormal na ihahatag ang mungkahing revocation ng martial law sa buong Mindanao.

Basehan nila ang sinabi ng security officials na nagasagawa ng briefing sa mga senador na ngayong weekend ay kaya na nilang ibalik sa normal ang sitwasyon sa mindanao partikular sa Marawi City na inatake ng Maute group.

DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments