Anim katao, arestado sa anti-drug operation sa Muntinlupa

Manila, Philippines – Natimbog ang anim katao matapos ang ikinasang anti-illegal drug operation ng pulisya sa Muntinlupa City.

Nakilala ang mga arestado na sina Carlo Jay Cabilangan, Albert Butulan, Mel Jason Fernandez, Felipe Berja, Allan Lorete at Eugene Eligarco.

Nakatanggap ng impormasyon ang Drug Enforcement Unit hinggil sa bentahan ng iligal na droga sa T. Puarel Compound sa Brgy. Putatan kaya’t ikinasa agad ang operasyon.


Dito na nadakip ang mga suspek kung saan ilan rito ay naaktuhan pang gumagamit ng bawal na gamot.

Nasamsam mula sa kanila ang ilang gramo ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga naturang suspek.

DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments