Pinagtibay sa Senado ang isang resolusyon na nagpapaabot ng pagbati at pagkilala sa world-class pole vaulter na si EJ Obiena.
Nakapaloob sa Senate Resolution 212 ang pagkilala ng Senado sa ipinamalas na husay ng Tokyo Olympian at two-time Southeast Asian Games champion.
Ang resolusyon ay iniakda ni Senator Pia Cayetano habang co-authors naman ang lahat ng miyembro ng Mataas na Kapulungan.
Si Obiena, sa edad na 26 taong gulang ay top placer ngayon sa buong Asya habang top 3 naman sa buong mundo sa pole vaulting.
Sa kabuuan ay nakahakot ng 12 ginto, dalawang silver at tatlong bronze medals ang sikat na Pinoy pole vaulter.
Tiniyak din ng mga senador ang patuloy na suporta kay Obiena na maghahanda naman sa pagsabak sa 2024 Paris Olympics.
Facebook Comments