TREE PLANTING ACTIVITY NG 17TH IB, DINALUHAN NG YFPCC

18
Dinaluhan ng Youth for Peace Cagayan Chapter (YFPCC) ang isinagawang tree planting activity ng 17th Infantry Battalion sa Brgy. Minanga Norte, Lasam, Cagayan.

Pinangunahan ni Marie Cris Viernes ang hanay ng YFPCC kasama ang mga miyembro ng Youth for Peace Lasam. Habang tumulong rin sa isinagawang aktibidad ang PNP Lasam, ilang mga Reservist at CEO ng CSU Lasam Campus.

Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad ay naipapakita umano ng grupo ng YFPCC ang kanilang inisyatibo sa pangangalaga sa kalikasan at kaakbay nito ay ang pagkatuto ng mga miyembro ng YFPCC na makipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng ika-39 taong anibersaryo ng Reserve Command ng Philippine Army na may temang “RESCOM @ 39: Sustaining a Well Organized and Trained Reserved Force that Serves the People and Supports the Total Force.”

Facebook Comments