Resolusyon ng UNHRC ukol sa war on drugs, hindi isang political move – CHR

Nilinaw ng Commission on Human Rights (CHR) na ang resolution ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) para imbestigahan ang drug war sa Pilipinas ay hindi isang political move.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia – ang resolusyon ay normal lamang sa procedures ng council.

Dagdag pa ni De Guia – ang UNHRC team ay nakabisita na sa 58 bansa para magsagawa ng fact-finding missions noong nakaraang taon.


Hanggang sa ngayon, mayroong misyon ang UNHRC sa Libya at Syria.

Paglilinaw pa ni De Guia – ipinag-uutos nito ang Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR) na magsumite ng monitoring report at hindi pa magsagawa ng imbestigasyon.

Bahagi rin ng procedure ang paghingi ng reports mula sa iba’t-ibang sektor kabilang ang mga ahensya ng gobyerno.

Una nang sinabi ng Malacañan na pwedeng hindi payagan ni Pangulong Duterte ang UN investigators na makapasok sa Pilipinas kung wala siyang makitang basehan para siyasatin ang human rights situations sa Pilipinas.

Facebook Comments