Resolusyon ng United Nations na hindi na pag-iimbestiga sa umano’y human rights abuse ng Pilipinas sa war on drugs pabor sa PNP

Positibo ang pagtanggap ng Philippine National Police (PNP) sa resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na hindi na paimbestigahan ang Pilipinas dahil umano sa mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa.

Batay sa UNHRC Resolution Number 45, sa halip na imbestigasyon ay suporta para sa pagtupad sa human rights commitments ng Pilipinas ang binigay ng UNHRC.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Ysmael Yu, itinuturing nilang pagkilala sa mga inisyatibo ng Pilipinas na tugunan ang mga alegasyon ng human rights abuse sa drug war ng pamahalaan ang naging hakbang ng UNHRC.


Pero nilinaw ni Col. Yu na ang resolusyon ay hindi dahilan para magdiwang ang PNP at sa halip ay kinukunsidera nila ito bilang “Points To Ponder” sa mga kailangang gawin ng mga pulis.

Siniguro ng PNP na mas lalo nilang palalakasin ang kanilang commitment sa pagtataguyod ng “Rule of law” sa striktong pagsunod sa “Police Operational Procedures” at “Rules of engagement”.

Facebook Comments