Amerika – Naglabas na ng resolusyon ang Arab Foreign Ministers na nag-aatas kay US President Donald Trump na bawiin ang pagkilala niya sa Jerusalem bilang capital ng Israel.
Nabatid na mas tumindi ang tensyon sa pagitan ng Palestine at Israel matapos ang naging deklarasyon ni Trump.
Nanawagan din sila sa united nation security council na maglabas ng resolusyon na kokondena sa desisyon ng US President.
Banta pa ng grupo, ibo-boycott nila ang mga produkto ng U.S. kung magmamatigas si Trump.
Facebook Comments