MAKATI – Tatanggapin na ng mahigit tatlong libong public school teacher sa Makati ang mga benepisyong matagal na nilang hinihintay.Ito’y sa bisa ng School Board Resolution na nilagdaan ni Makati City Mayor Romulo “Kid” Pena Jr.Ayon sa Alkalde, may kabuuang 3,250 guro sa Makati ang tatanggap ng mula animnapung libong piso (P60,000) hanggang isangdaang libong pisong (P100,000) back pay allowance.Laking pasasalamat naman ng mga guro sa mabilis na aksyon ni Pena kung saan labing-walong (18) taon nila itong hinintay.Nakapaloob sa resolusyong ipinasa ng konseho ang mahigit P499 milyon na alokasyon para sa edukasyon at allowance ng mga guro at estudyante sa dalawampu’t siyam (29) na Public Elementary School at sampung (10) High School sa Makati.Naglaan din si Mayor Pena ng mahigit P132 milyong pondo para sa pagsasaayos na mga gusali ng mga pampublikong paaralan sa Makati.
Resolusyon Para Sa Back Pay Allowance Ng Mahigit 3,000 Public School Teacher Sa Makati, Nilagdaan Na Ni Mayor Kid Pena
Facebook Comments