Resolusyon para sa joint session ng Kongreso sa gagawing canvassing ng boto sa presidente at bise presidente, pinagtibay na ng Kamara

Inaprubahan na ng Kamara ang House Concurrent Resolution (HCR) No. 26 para sa pagsasagawa ng joint session ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Sa HCR na nilagdaan nila House Speaker Lord Allan Velasco, Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Joseph Stephen Paduano, ay nakasaad na bukas, Mayo 24, sa ganap na alas-dyes ng umaga, ay mag-co-convene sa isang joint session ang Kamara at Senado para sa canvassing ng boto at pagpoproklama ng mga nanalong presidente at bise presidente sa katatapos na 2022 elections.

Nauna nang pinagtibay ang kaparehong resolusyon sa sesyon ng Senado kaninang umaga.


Sa umaga ay papangalanan din ang mga bubuo sa National Board of Canvassers o NBOC-Congress at ilalatag din ang mga rules para sa canvassing.

Matapos ang pag-convene ng Kongreso ay babalik din sila sa hapon para sa paguumpisa na ng canvassing.

Samantala, tiniyak na magiging transparent sa publiko ang canvassing ng Kongreso dahil bukod sa nakatutok ang media ay naka-livestreaming din ang gagawing bilangan ng boto.

Facebook Comments