Cauayan City, Isabela- Nagpanukala ng isang Resolusyon si Isabela Vice Governor Faustino ‘Bojie’ Dy III na layong hikayatin ang lahat ng mamamayan ng Lalawigan na magpabakuna kontra COVID-19.
Sa nasabing SP Resolution, hiniling ng bise Gobernador kasama ng Sangguniang Panlalawigan ang suporta, pagtutulungan at partisipasyon ng bawat Isabelino sa ginagawang vaccination program ng pamahalaan.
Ito’y upang maproteksyunan aniya ang sarili, kaibigan at kapamilya sa banta ng COVID-19.
Inihayag din ni Vice Gov. Bojie Dy na susi ang pagpapabakuna para sa mas mabilis na pagbangon ng probinsya sa kinakaharap na pandemya.
Nanawagan din ang bise Gobernador sa publiko na kailangan ang disiplina at sumunod sa mga health protocols upang mabilis na maibalik ang sigla ng Probinsya.