Inaprubahan na sa Senado ang resolusyong humihiling na palawigin pa ang rehistrasyon ng pagboto sa Pilipinas na matatapos sa September 30.
Batay sa resolusyong ini-akda ni Senator Francis Pangilinan, hiniling nito na palawigin ang registration period hanggang sa October 31, 2021.
Layon ng resolusyon na hindi mawalan ng karapatang bumoto ang maraming Pilipino na hindi pa nakakapagparehistro dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa ngayon, tiniyak ni Pangilinan na hindi makakaantala ang extension ng voter’s registration para sa paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) sa eleksiyon sa 2022.
Facebook Comments