Resolusyong mag-iimbestiga sa mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs, pinaburan ng UNHRC

Pinaburan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang resolusyon ng Iceland na imbestigahan ang umano’y extra judicial killings o EJK sa Pilipinas.

Sa 41st regular session sa Geneva, Switzerland, 18 bansa ang bumotong pabor sa resolusyon kasama ang Iceland na siyang naghain ng draft resolution.

14 naman ang tumutol kabilang ang Pilipinas at China.


Habang 15 bansa ang nag-abstain.

Inaatasan nito si Human Rights Commissioner Michelle Bachelet na maghanda ng “comprehensive written report” ng human rights situation sa Pilipinas.

Kaugnay nito, hindi ito tatanggapin ng Pilipinas.

Ayon kay DFA Secretary Teddy Locsin Jr. – ang resolusyon ay isang paglapastangan at biktima lamang ng maling impormasyon.

Iginiit pa ni Locsin na hindi tatanggapin ng Pilipinas ang isang “politically partisan” at “one-sided” resolution.

Facebook Comments