Resolusyong magtitiyak sa kaligtasan ng mga OFW, pinagtibay ng gobyerno

Isang resolusyon ang pinagtibay ng gobyerno na layong magpatupad nang mas mahigpit pang panuntunan, kasama ang sapilitang interview na magtitiyak sa kaligtasan ng mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa.

Sa inilabas na bagong memorandum circular ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), katuwang sa gawain ang Direct Hire Assistance Division (DHAD) ng ahensiya upang maiwasan ang pananamantala sa ating mga kababayan.

Ilan naman sa mga trabahong ikinokonsiderang malaki ang tiyansang maabuso ay ang; waiter/waitress, wine host/wine hostess, masseuse/massage therapists, spa therapists, food and beverage attendants, hotel attendants, service/maintenance crew, entertainment workers at agricultural workers.


Sa ngayon, kailangan munang dumaan ng mga ito sa interview ng Pre-Employment Services Office (PSO) o ng Anti-Illegal Recruitment Branch ng POEA bago ang magpalabas ng receipt ng application for clearance at pag-apruba ng Administrator mula sa DHAD.

Facebook Comments