Isinusulong ngayon ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbibigay ng booster o karagdagang bakuna sa healthcare workers at mayroong mahinang resistensya.
Kasunod ito ng pagkakatala ng record high na 26,303 kaso ng COVID-19 noong Setyembre 11, pinakamataas magmula ang pandemya noong nakaraang taon.
Kasama sa mga lumagda sa House Joint Resolution No. 40 sina; Taguig 2nd District Rep. Maria Laarni Cayetano; ANAKALUSUGAN Party-list Rep. Michael Defensor; Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez; Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu at Bulacan 1st District Rep. Jose Antonio “Kuya” Sy-Alvarado.
Nakasaad pa sa resolusyon na ang pagbibigay ng karagdagang mga bakuna ay isang moral na tungkulin at praktikal na pangangailangan, upang maiwasan ang pagbagsak ng sistemang pangkalusugan ng bansa.