Resolusyong nagpapadeklara na Disaster and Climate Emergency awareness ang taong 2020, lusot na sa komite ng Kamara

Inaprubahan na ng House Committee on Disaster Resilience ang House Resolution 535 na nagpapadeklara sa taong 2020 bilang Disaster and Climate Emergency awareness year.

Batay sa resolusyong iniakda ni Albay Rep. Joey Salceda, ang deklarasyon ng Disaster and Climate Emergency ang unang hakbang para sa malawakang international climate justice and local resilience.

Ibig sabihin, tinitiyak na ang lahat ng pondo sa national at local ay kailangang climate at disaster responsive.


Hinihimok din nito ang pagkakaroon ng whole-of-government, whole-of-nation at whole-of-society mobilization para sa Disaster and Climate Emergency bilang tulong sa mga lokalidad, komunidad at sektor na climate-vulnerable.

Nakasaad din sa resolusyon ang pagsasama at pagbubuklod ng disaster risk reduction at climate change adaptation at mitigation efforts sa pamamagitan ng tuluyang pagpapatibay sa panukala na bubuo sa Department of Disaster Resilience (DDR).

Facebook Comments