Umapela ngayong ang Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan sa iba’t ibang Electric Cooperative sa lalawigan na suspendihin ang pag implementa ng pagtaas singil sa kuryente o generation charge at pag extend naman sa disconnection notice sa mga consumers.
Batay sa inilabas na Provincial Resolution No. 621-2021 na marami umanong mga konsyumers ang nagrereklamo sa umano’y biglang pagtaas ng generation charge sa kanilang kinokonsumong kuryente.
Ang paglabas umano ng resolusyon ay upang mabawasan ang hirap ng mga konsyumers.
Kalakip pa nito ay ang umano’y pagpapatupad ng extensions ng pagbibigay ng disconnection notices sa mga konsyumers na bigong makapag bayad sa takdang oras lalo na sa mga low-income earners.
Nais ng sangguniang panlalawigan na makapagbigay ng assistance sa bawat residente lalo na ngayong panahon ng pandemya na marami ang nawalan ng trabaho.