Libong mga myembro ng Sangguniang Bayan at mga Baranggay Chairman mula sa ibat ibang bayan ng Maguindanao ang lumahok sa PDP –Laban Basic Membership Seminar at Oathtaking Ceremony na isinagawa sa Buluan GYM.
Pinangunagan ang nasabing aktibidad ni Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu, Provincial Council President ng PDP Laban habang bisita sa okasyon si Rufina Arcega, Laban Head ng PDP Laban ARMM na sya ring nagbigay ng seminar sa mga partisipante at nanguna sa Oathtaking Ceremony.
Layunin ng aktibidad ay para ipabatid ang tunay na adhikain ng PDP Laban at bilang pagpapakita ng suporta sa mga adbokasiya at kampanya ng Presidente Rody Duterte.
Inihayag rin sa programa ang pagsuporta ng mga ito sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law.
Samantala naglabas naman ng isang resolution ang Liga ng Baranggay sa Maguindanao, Resolution # 001-2018 na nagpapakita ng suporta bilang Council President ng PDP Laban sa Maguindanao Gov. Toto.
Sinasabing nagkaisa ang mga 508 na mga Baranggay ng lalawigan bilang kilalanin Council President si Gov. Toto ayon pa kay Parang ABC Chairman at Liga Representative Adnan Biruar.
Nilinaw naman ni Board Member Biruar na Non- Partisan ang Baranggay lalo na sa papalapit ng Baranggay at SK elections ngunit pagpapakita lamang ito ng full support sa campaign ng Presidente.
Dumalo rin sa okasyon ang ilang alkalde na pinangunahan ni LMP President Freddie Mangudadatu.
Resolution inilabas bilang pagpapakita ng suporta kay Gov. Toto bilang Council President ng PDP Laban sa Maguindanao
Facebook Comments