Resorts World incident, walang koneksyon sa terorismo

Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi terrorist attack ang insidente sa Resorts World Manila kung saan 37 ang namatay kasama ang gunman.
Kaya naman umapela si Abella sa publiko na huwag magpakalat ng fake news o mga balitang hindi beripikado sa social media upang hindi maglikha ng takot at gulo.
Inihayag naman ni National Capital Region Chief Director Oscar Albayalde na ligtas ang Metro Manila pero ang banta naman ng terorismo ay hindi lang dito sa bansa kundi saan mang panig ng mundo.
Inihayag din naman ni Albayalde na mabilis na nakaresponde ang PNP sa insidente sa Resorts World.
Sa ngayon aniya ay wala pang pagkakakilanlan ang mga nasawi kaya hindi pa matukoy kung mayroong dayuhan na nasawi sa Resorts World.
DZXL558

Facebook Comments