Bagama’t no show ang mga respondents na opisyal ng Wellmed Dialysis Center, nakapaghain naman ang mga ito ng kanilang counter-affidavit sa pagdinig kanina.
Naging closed door ang hearing kanina at hindi pinaunlakan ang media na masaksihan ang hearing.
Pinagko-komento naman ang panel of prosecutors ang NBI sa susunod na pagdinig sa July 15.
Kasama sa inireklamo ng NBI ang mga opisyal ng WellMed na sina;
-Dr. John Ray Gonzales, medical director;
-Claro Sy, chairman;
-Alvin Sy, corporate treasurer;
-Therese Francesca Tan, purchasing officer;
-Dick Ong, administration officer;
-Physicians na sina Dr. Porshia Natividad at
-Joemie Soriano na pawang at large
Una nang naghain ang NBI ng reklamong estafa through falsification of public/or official documents laban kay Dr. Brian Sy na isa sa mga may-ari ng Wellmed.