TIGNAN: Jordan Clarkson suot ang Philippine Basketball shirt sa ensayo

Image via Good Looks | IG/Jordan Clarkson

Hanggang ngayon, nananalatay pa rin ang dugong Pinoy kay Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson.

Sa Instagram account ng NBA player, makikitang suot nitong ang Nike Gear na may tatak “Philippine basketball” habang nageensayo sa isang gymnasium.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jordan Clarkson (@jordanclarksons) on


Batay sa watermark, ang mga larawan ay kuha ng kumpanyang Good Looks sa Estados Unidos.

Matatandaan naglaro si Clarkson para sa koponan ng bansa sa ginanap na Asian Games noong 2018 at nakamit ang 5th place spot.

Ayon sa batikang basketbolista, handa siyang maging kinatawan ulit ng Gilas Pilipinas sa paparating na FIBA World Cup. Ngunit hindi siya pinayagan maglaro dahil sa “eligibility issues”.

Nagtala ng 16.8 points, 3.3. rebounds, at 2.4 assists ang Fil-Am guard sa katatapos lamang na NBA 2018 season.

Facebook Comments