Kinumpirma ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Hosaka na nagdesisyon ang mga mahistrado ng Korte Suprema na bigyan ng pagkakaton ang respondents sa petisyon ni Solicitor General Jose Calida o ang ABS-CBN na maghain ng komento sa loob ng 10 araw.
Kasama sa pinagkokomento ng SC sa Calida quo warranto petition ang subsidiary ng Kapamilya Network na ABS-CBN Convergence Inc.
Sa petisyon ng SolGen, inabuso aniya ng ABS-CBN ang pribileyo na ipinagkaloob ng estado nang maglunsad ito ng pay-per-view channel sa ABS CBN TV Plus at KBO Channel nang walang pahintulot o permiso mula sa National Telecommunications Commission (NTC).
Pero ayon sa ABS-CBN, authorized ng NTC ang paggamit ng ABS-CBN ng Conditional Access System Software na ginagamit nito sa pay-per-view.