Naniniwala ang pamunuan ng Maynilad na malaki nag maitutulong mg mga Manilenyo kung maging responsable sa paggamit ng tubig.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Maynilad Spokesperson Jen Rufo na normal ang alokasyon ang maibibigay ng Maynilad ngayong buwan ng Abril.
Ayon kay Rufo kung bababa ang Angat Dam at mababawasan ang Maynilad l, minimal lang aniya ang magiging impact dahil sa bagong Facility FOM ng Laguna Lake kung saan pupunan ito sa pamaamgitan ng bagong Treatment Plant.
Paliwanag ni Rufo pagdating sa gabi ay mas mahina ang gamit dahil binabawasan ang operations ng Treatment Plant sa Night time.
Paliwanag naman ni Maynilad Engr. Ronald Padua ang system lost ay 12 taon ng naibaba kung saan 68 percent ang kabawasan noong 2007 at pinalitan ng 55 percent na pipelines para mapababa ang system lost.
Aminado ang ang MWSS na iba talaga ang lasa ng tubig na galing sa Laguna Bay pero hindi naman tinukoy kung anong lasa ang naturang tubig.