Isabela – Nakaalerto na sa ngayon ang response team ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa posibleng pananalasa ng bagyong Rosita!
Ayon kay ginoong Romy Santos, media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na nakahanda at nakaalerto na umano ang lahat ng response team tulad ng BFP, PNP, AFP, DSWD,Rescue Units, LGU’s, Municipal and Barangay Officials, PAGASA DOST Echague, Magat Dam at iba pang ahensya ng gobyerno na pumapaloob sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Isabela.
Aniya, layunin umano nito na matiyak ang kahandaan sa maaring mangyari lalo na sa pagland-fall ng bagyong Rosita.
Giit pa ni ginoong Santos na inihahanda narin umano ang post-disaster activities tulad ng massive clearing sa pambansang lansangan upang klaro at hindi problema sa pagresponde ng anumang insidente sa panahon ng bagyo.
Kabilang din umano ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa panahon ng bagyo lalo na sa liquor band at no sailing policy sa mga ilog at dagat sa probinya ng Isabela.
Matatandaan na kahapon ay naglabas na ng isang executive order ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na walang pasok ang lahat ng antas ng paaralan simula ngayong araw hanggang October 31 habang sinuspinde rin ang trabaho sa publiko at pribadong tanggapan simula bukas hangang October 31.