RESTRUCTURE | Isang higanteng kumpanya ng softdrinks, magbabawas ng empleyado

Manila, Philippines – Magbabawas ng empleyado ang higanteng softdrinks company na Coca-Cola o ‘Coke’ sa Pilipinas sa gitna ng mga pagbabago sa industriya sa bansa.
Sa inilabas na statement ng Coca-Cola Femsa Philippines Inc., nagdesisyon ang kumpanya na mag-‘restructure’ dahil nagkaroon ng mga ‘development’ at ‘regulatory environment’ sa beverage industry at sa kabuuan ng business landscape sa Pilipinas.
Inisagawa ng Organizational Structure Assessment ang Coca-Cola System at nirebisa ang mga responsibilidad ng bawat manggagawa sa kumpanya.

Hindi naman tinukoy ng kumpanya kung ilan ang mga manggagawang mawawalan ng trabaho.

Facebook Comments